Makakapiling ng 19 na Pilipino, kabilang ang dalawang bata, mula sa Syria ang kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas sa bisperas ng Pasko matapos kumuha ng mandatory repatriation program na alok ng pamahalaan, inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon.

Ayon sa DFA darating ang gupo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sakay ng flight QR 932 dakong 3:10 ng hapon ng Disyembre 24.

Inayudahan sila ng mga Embahada ng Pilipinas sa Damascus at Beirut sa Lebanon gayundin ang International Organization for Migration (IOM) na sumagot sa kanilang tiket sa eroplano. Bukod naman sa inisyung exit visa sa 19 na Pilipino, inalis rin ng gobyernong Syrian ang ibang bayarin, exit requirements, at penalties.

Ngayong Disyembre 23, bibiyahe ang grupo mula Damascus patungo sa hangganan ng Masna’a at mula doon ay aalalayan sila ng kinatawan ng Embahada sa Beirut patungo sa Rafik Hariri International Airport.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa kanilang pagdating sa bansa, aabot na sa kabuuang 5,942 Pinoy ang napauwi habang 2,715 ang nabigyan ng repatriation simula nang sumiklab ang kaguluhan sa Syria noong 2011. (Bella Gamotea)