ILOILO CITY – Tatlong sunog sa Iloilo City ang nagdulot ng P45-milyong pinsala sa ari-arian at isang tao ang nasawi.

Sinabi ni Fire Superintendent Jerry Candido, hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Iloilo City, na ang mga sunog ay nangyari sa tatlong magkakahiwalay na lugar sa siyudad nitong Disyembre 21 at 22.

Namatay si Marisa Marbais, ng Boulevard, Molo District, habang tinatangkang bumalik sa loob ng nasusunog niyang bahay noong Disyembre 21.

Tinupok ng sunog sa Molo noong Lunes ng hapon ang 44 na bahay at bahagyang napinsala ang walo pa.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi ni Candido na ang kabuuang halaga ng natupok na ari-arian ay aabot sa P15 milyon.

Umaga nang Disyembre 21 nang masunog naman ang Longwin Commercial Building sa Iznart Street, at nasa P30 milyon ang ari-ariang naabo.

Samantala, isa pang sunog ang sumiklab sa Barangay Calaparan sa Arevalo District bago sumapit ang 11:00 ng umaga nitong Disyembre 22. (Tara Yap)