Patay ang isang sundalo habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang tambangan ng mga pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang military truck na magdadala ng relief goods para sa mga biktima ng bagyong ‘Nona’ sa Las Navas, Northern Samar, kahapon ng umaga.

Sinabi ni Chief Supt. Cedric Train, officer-in-charge ng Eastern Visayas Police Regional Office, na nanggaling sa bayan ng Oras ang military truck at lulan ang limang sundalo na maghahatid sana ng relief goods sa mga biktima ng bagyo nang ito ay paulanan ng bala ng mga rebelde dakong 7:00 ng umaga.

“Tinatayang 15 rebeldeng komunista ang umatake sa truck. Tinamaan agad ang driver at mga escort,” ayon kay Train.

Kinilala ang napatay na sundalo na si Pfc. Daryll Baldo habang ang mga sugatan ay sina Corporals Michael Porten at Roman Clago.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nangyari ang pananambang ilang araw matapos paulanan din ng bala ng mga hinihinalang miyembro ng NPA ang isang relief convoy sa Northern Samar.

Nangyari ang insidente matapos magdeklara ang gobyernong Aquino at pamunuan ng Communist Party of the Philippines (CPP) ng tigil-putukan sa Pasko at Bagong Taon. (Aaron Recuenco)