Boxing Hall of Fame

Ang namayapang si Hector “Macho” Camacho, isang boksingero na nagkamit ng kampeonato sa tatlong dibisyon at isa sa mga boksingero na may makulay na katangian, ay nailuklok sa International Boxing Hall of Fame.

Kasama ring napili sina Lupe Pintor, mula sa Mexico at Hilario Zapanta ng Panama na kapwa two-division champion.

Napili rin sa non-participant at observer categories sina: Harold Lederman, na naging hurado ng mahigit 30-taon; sports columnist na si Jerry Izenberg ng Newark Star-Ledger; Marc Ratner, executive director ng Nevada State Athletic Commission na nanilbihan sa loob ng 14-taon at Col. Bob Sheridan, isang international television broadcaster mula noong 1973.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Si Camacho ang namatay noong Nobyembre 2012 sa edad na 50 matapos na ito ay barilin sa kanyang lugar sa Puerto Rico.

Ang mga nasa likod ng pagpili ay ang Boxing Writers Association at ang lupon ng international boxing historians. (AP)