Isang French ang pinagharap ng kasong illegal possesion of firearms makaraang mahulihan ng baril sa Bancasi Airport sa Butuan City, Agusan del Norte, nitong Lunes ng umaga.

Inihahanda na ng Bancasi Airport ang kaso laban kay Genneth Paul Gaser, sa Butuan Prosecutor Office.

Ayon kay Evangeline Daba, manager ng Bancasi Airport, nakumpiska kay Gaser ang isang .45 caliber pistol habang pasakay ito ng eroplano patungong Maynila.

Bukod sa baril, nahuli rink ay Gaser ang isang magazine na may pitong bala.

Probinsya

Mga nasawi sa MV Trisha Kerstin 3, nadagdagan pa ng 3; ‘survivor count,’ nasa 316 pa rin!

Sa ginawang imbestigasyon ng pulisya nabatid na walang kaukulang papeles ang baril. (Fer Taboy)