Pumanaw na ang kinikilalang ama ng Philippine running, chess organizer at darling ng sports media noong 1980-1990 na si Jose “Jun” V. Castro habang nasa Estados Unidos noong Linggo.

Si Ginoong Castro ang nasa likod upang kilalanin at sumikat ang running sa bansa noong dekada 1970-1980 kung saan isa siya sa organizer ng Pilipinas Third World Marathon na kalaunan ay naging Philippine International Marathon, Batulao Marathon sa Batangas, Band Air Running Clinic, Pharmaton Executive Run, Dunkin Donuts Fun Run, Batang Pasay 5K,1, Akbayan, Taal Lake Run for Progress at napakarami pang iba.

Higit siyang kilala ng marami bilang isa sa apat na commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC) at nangasiwa sa 1990 Manila World Inter-Zonal Chess Championship at iba pa.

Si Castro ang nakadiskubre sa mga talento sa road running tulad nina Jimmy dela Torre, Olympians Leonardo Illut at Herman Suizo, Primo Ramos, Joseph Bulatao, Romulo Mañara, Marcos, Cedullo, Alvin Miraflores, Rowena Monton, Ledy Semana Siminig, Anching Duka, Nenita Adan, Rosalinda Catulong, Zenaida Beloinio at marami pang iba.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kilala sa media circle bilang “Jun”, ito ay maasikaso at napakabuting makisama sa mga sports editor, sportswriters, columnists at photographers at hindi nito tinitingnan kung anong media outlet ka konektado dahil pantay ang pagtrato at pakikisama niya sa lahat. (ANGIE OREDO)