Pinakakasuhan kahapon sa Sandiganbayan si dating Tawi-Tawi Governor Sadikul Sahali dahil sa umano’y hindi maayos na paghahain nito ng kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) sa loob ng limang taon.

Sa isang resolusyon na nilagdaan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, iniutos niyang sampahan ng six counts ng paglabag sa Section 8 ng RA 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees) si Sahali.

Natuklasan ng Ombudsman na hindi pinanumpaan ni Sahali sa notary public ang kanyang SALN para sa 2007 hanggang 2011 bago sana nito isinumite habang wala naman itong pirma sa kanyang SALN para sa 2012.

Isinumite rin ni Sahali ang kanyang SALN para sa 2007 hanggang 2012 kahit lagpas na ito sa taunang deadline na Abril 30.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“All public officials and employees, except those who serve in an honorary capacity, laborers and casual or temporary workers, shall file under oath their Statement of Assets, Liabilities and Net Worth and a Disclosure of Business Interests and Financial Connections and those of their spouses and unmarried children under eighteen (18) years of age living in their households,” ayon sa Ombudsman. (Rommel P. Tabbad)