Pinag-iingat kahapon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko, partikular ang mga mamimili, sa mga bogus na promo sales ng mga establisimyento sa bansa, partikular sa Metro Manila.

Pinayuhan ng DTI ang mga mamimili na suriin muna kung legal ang sales promo at kung may permit mula sa kagawaran upang hindi mabiktima sa modus ng promotion activities ng mga tindahan na usong-uso ngayong nalalapit ang Pasko.

Babala ng DTI sa mga business establishment, ang hindi pagrehistro sa sales promo at pagbebenta ng hindi aprubado ng kagawaran ay malinaw na paglabag sa batas, partikular sa Price at Consumers Acts.

Iginiit ng ahensiya na bilang legal na requirement, dapat na 30 araw bago ipatupad ng establisimyento ang sales promo ay nakarehistro na ito sa DTI, Department of Health (DoH) at Food and Drugs Administration (FDA).

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

(Bella Gamotea)