Pinuri ni Senate President Franklin Drilon noong Martes si Pangulong Benigno Aquino III sa pagiging consistent sa pag-apruba ng national budget ayon sa schedule sa loob ng anim na taong termino nito.

Ipinahayag ni Drilon ang papuri matapos lagdaan ni PNoy ang P3.002-trillion General Appropriations Act, ang pinakamalaking budget sa fiscal records ng gobyerno, at ang huling national budget na nilagdaan niya bago bumaba sa puwesto sa Hunyo 2016.

“I wish to congratulate the Aquino administration for having achieved a consistent record of approving the national budget on schedule for the past six years,” ani Drilon.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“This achievement in budgetary reform and transparency is no small feat. To my recollection, in our recent national history, only the present Aquino administration was able to ensure the timely passage of the national budget throughout its term, which means unimpeded delivery of services to the Filipino people,” sabi ng leader ng Senado.

Ipinagtanggol ni Drilon ang mas malaking budget para sa susunod na taon, sinabing mahalaga ito “to sustain the pro-people investment of the current administration.”

Nangunguna ang Department of Education sa top 10 agencies na tatanggap ng pinakamalaking budget na halos P437-billion.

Ang 2016 GAA ay mas mataas ng P396-billion o 15.2 porsyento kaysa P2.606-trillion 2015 national budget.

Sinabi ng Department of Budget and Management na 14 porsyento lamang ng budget ang mapupunta sa debt interest payment, ang pinakamababang debt payment allocation na itinakda ng pamahalaan sa susunod na 10 taon.

“With P411.91-billion going to the education sector and P123.51-billion for the health sector next year, our allocations on social services directly helping our countrymen are much higher compared to past administrations,” ani Drilon. (HANNAH TORREGOZA)