Inihayag ng kontrobersyal na boksingerong si Adrien Broner na nilapitan siya ni Michael Koncz hinggil sa “potential showdown” nila ni eight-division world champion Manny Pacquiao na gaganapin sa susunod na taon.
Itinakda ni Pacquiao ang kanyang huling laban sa Abril 9, at binigyan ito ni Top Rank promoter Bob Arum ng tatlong posibleng makalaban at ito ay sina Terence Crawford, Timothy Bradley at Amir Khan.
Sapanayam ng Fight Hype, sinabi ni Broner na dapat na kabilang din ang kanyang pangalan sa mga potential opponent ni Pacquiao.
"I hear they want me to fight Pacquiao next," ani Broner, ang kasalukuyang WBA super lightweight champion. "Michael Koncz actually called me, and we're waiting to hear from him."
Si Koncz ang matagal ng adviser ni Pacquiao.
Si Broner na may 31-2, panalo-talong rekord, ay umaming wala siyang planong makaharap si Pacquiao sa mismong bansa nito, subalit iginiit nito na puwede niyang bigyan si Pacman ng malaking hamon.
"I love fighting southpaws, man," dagdag pa nito. "Just check my record."
"He's a great guy, and it'll be a hell of a fight – a young rising star against an elite Hall of Famer on his way out," ang pahayag pa ni Broner.
Gustong sundan ni Broner ang imahe ng isa pang kontrobersyal na amerikanong boksingero na si Floyd Mayweather Jr., at gusto niyang tapusin ang sinimulang trabaho ni Floyd noong Mayo 2015 kung saan tinalo nito si Pacquiao sa tinaguriang “Fight of the Century.”
"I can't wait to send him out back to the Philippines," ang naging pahayag pa ni Broner kay Pacquiao na: "Go be governor."
Matatandaang nagpaghayag ang 37-anyos na si Pacquiao na gusto na niyang magretiro sa boksing makaraan ang kanyang laban sa Abril 9 at magpo-pokus na lang ito sa kanyang political career. Si Pacquiao ay tatakbong senador sa darating na eleksiyon sa Mayo 2016. (Abs-Cbn Sports)