DONALD LIM copy

HINIRANG bilang isa sa Ten Outstanding Young Men (TOYM) of the Philippines ang chief digital officer ng ABS-CBN Corporation na si Donald Patrick Lim at kinilala rin ng Direct Marketing News sa kanilang 40 under 40 awards sa Amerika. 

Makakasama ni Lim ang siyam na iba pang mga Pilipino sa prestihiyosong TOYM award na ipinapamigay ng Junior Chamber International (JCI) Philippines. Layunin ng TOYM na kilalanin ang mga natatanging Pilipino at Pilipina na nasa 18 hanggang 40 taong gulang at nagpakita ng natatanging galing at dedikasyon sa kanilang propesyon na nagdulot ng positibong kontribusyon sa lipunan.

Kinilala rin si Lim, na dalawang taon na sa Kapamilya Network, ng Direct Marketing News (DMN) bilang unang Pilipinong 40 under 40 awardee nito sa kanilang awards night sa New York, USA.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

Ang mga nanalo ng naturang award ay kinikilatis sa kanilang mga nagawa sa propesyon, ang kanilang pamamaraan sa marketing at pamumuno, at mga nakaraang award at kontribusyon sa larangan ng marketing. Ayon sa editor-in-chief ng Direct Marketing News na si Ginger Conlon, ang chief digital officer ng Kapamilya Network ay unang Southeast Asian awardee, bukod sa tanging awardee rin sa bansa.

Ang Direct Marketing News bilang isang organisasyon ay nagko-cover ng mga uso, estratehiya para sa tagumpay sa propesyon, at teknolohiya na maaaring gamitin ng marketers para mapaunlad ang kanilang kumpanya.

Kinikilala si Lim bilang isa sa mga pundasyon ng digital marketing sa Pilipinas. Nanalo na rin siya bilang Digital Marketer of the Year sa Asian Leadership Awards na ginanap sa Dubai, UAE at handog ng Asian Confederation of Business, ang Young Market Masters Award in Online Marketing ng Mansmith and Fielders, at ng titulo bilang honorary Certified eMarketing Consultant ng eMarketing Standards Board of Australia. Siya rin ang kauna-unahang nanalo ng Digital Leader of the Future award na tinanggap naman sa World Brand Congress sa Mumbai, India.

Sa pamumuno ni Lim sa digital media division ng kumpanya, isa na ang ABS-CBN sa mga top digital media platforms sa bansa at nakapaglunsad na rin sila ng tatlong malalaking proyekto: ang Stellar for Social Media Marketing, ang Chicken Pork Adobo, isang multi-channel network na naglalayong palakasin ang mga Pinoy YouTube content makers, at ang Push Awards na kumikilala sa mga celebrity na nakikipaghalubilo sa kanilang fans sa pamamagitan ng digital at social media.