Hindi nabigo si Brazilian Rupia Inck na masungkit at maiuwi ang kauna-unahang beach volleyball title.

Pangarap ni Inck na maging isang beach volleyball player at hindi siya nabigyan ng pagkakataon na maipakita ang kanyang galing at makipag-kumpetensiya sa sarili nitong bansa.

At sino nga ang makapagsasabing lilipad pa siya ng milya milya mula sa kanilang bansa upang makasungkit lang ng titulo sa larong kanyang pinangarap sa isang maliit na bansa sa Asya?

At hindi siya nabigo sa kanyang unang pagsubok.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“How crazy is that right?!” ang naging pahayag ng 6-foot-1 player.

Ang 25-anyos na si Inck ay ipinareha kay Bea Tan, at nagkaroon ng matibay na pares na naging dahilan upang makuha nila ang Beach Volleyball Republic Christmas Open na ginanap sa Sands SM by the Bay noong Linggo ng gabi.

“Like now if I tell my parents (that I won a beach volleyball crown) they won’t believe me. My coaches and

everything,” dagdag pa ni Inck, na dumating sa bansa upang sumali sa Philippine Superliga (PSL) Grand Prix.

Si Inck at ang koponan ng Petron ay dinepensahan ang PSL Grand Prix title subalit lumawig pa ang pagtigil ng Brazilian sa bansa upang tuparin ang kanyang pangarap na umuwing dala ang kampeonato.

Sina Inck at Tan ay tinalo ang Filipino-American na si Alexa Micek at ang Pinay na si Charo Soriano na nakasungkit naman ng pangalawang puwesto, sa iskor na 17-21, 24-22, 15-12 na desisyon sa kampeonato.

“Yes, Yes! It felt so good! Even just to be in the finals,” ani Inck. “I feel really honored to be here and be a part of all this, the Superliga and this beach volleyball tournament. It feels good.”

Iginiit ni Inck na sila ni Tan ay may magandang teamwork upang pangunahan ang torneo.

“We had a really good chemistry since the first day of training and that counts for sure,” dagdag pa nito.

Subalit, maigsi na lang ang panahon upang ipagdiwang ng dalawa ang kanilang panalo sa dahilang kinakailangan ng umuwi ni Inch noong Linggo. (Abs-Cbn Sports)