Nag-isyu ng apology si Tyson Fury matapos ang kanyang kontrobersyal na komento hinggil sa homosexuality at ang papel ng kababaihan sa mismong awarding ng BBC Sports Personality of the Year sa Belfast.

Ginawaran ng mainit na pagtanggap ng mga audience si Fury makalipas ang maigsi nitong panayam kay Gary Lineker, kung saan iginiit ng world heavyweight champion na wala namang malisya sa kanyang sinabi.

“I’ve said a lot of stuff in the past and none of it with intentions to hurt anybody,” ang pahayag ni Fury. “It’s all very tongue in cheek, it’s all fun and games to me. I’m not a very serious kind of person -- it’s all very happy-go-lucky with Tyson Fury.

“If I’ve said anything in the past that’s hurt anybody, I apologise.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sinalubong si Fury ng maliit na grupo ng mga nagpo-protesta sa kanyang pagdating sa SSE Arena, at sumigaw din ng “boo” ang may 7,500 na audience nang ianunsiyo ang kanyang pangalan.

Sinabi ni John O’Doherty, director ng The Rainbow Project, at isang support group na lubhang nakapanlulumo na hindi binigyan ng pansin ng BBC ang sigaw ng publiko at hindi pa rin tinanggal si Tyson sa kanilang listahan ng mga gagawaran ng parangal sa kabila ng pagpapahayag nito ng mga negatibong komento tungkol sa mga kabaklaan at kababaihan.

“An excellent boxer Tyson Fury may be, however his extremely callous and erroneous remarks about our community make him an unworthy candidate to be recognised among the UK’s excellent sporting personalities and ambassador.”

Maraming negatibong komento ang tinanggap ni Fury hinggil sa kanyang personal na opinion matapos niyang talunin si Ukranian Wladimir Klitschko at makuha ang WBA, IBF at WBO belts sa Dusseldorf noong nakaraang buwan.

Umaabot sa 130,000 katao ang pumirma sa petisyon at humihiling sa BBC na tanggalin ang pangalan ng kontrobersiyal na fighter dahil sa pagbigay nito ng pangit na komento. (ESPN.com)