Nagreklamo ang mamamayan ng Caloocan City sa sobrang dami ng buwis na ipinaiiral sa lungsod, na labis umanong nagpapahirap sa maliliit ang kita o wala pa sa minimum ang sinasahod.
Kabilang sa mga inirereklamo ang maraming requirements sa pagkuha ng wiring permit sa pagkakabit ng kuryente, gayundin ang occupational permit at business permit, na ipinaa-advance pa umano ng dalawang buwan.
“Ipapaayos ko lang ang linya ng kuryente sa isang apartment namin sa Nadurata, singilin ba naman kami ng P5,000,” sabi ni Dolores Reyes, taga-Capas Street sa 10th Avenue West sa lungsod. “Isang buwang upa na ‘yun sa maliit na apartment, hindi naman dating ganun.”
Kinuwestiyon naman ng senior citizen na si Purita Bederio, ng Barangay Camarin, kung bakit pinayagan ni Mayor Oscar Malapitan na ibenta sa SMang lupang kinatitirikan ng nasunog na Ever Gotesco Mall gayong dapat ay tinake-over na lamang ‘yun ng lungsod.
“Lupa talaga ng Caloocan ‘yun na dating kinaroroonan ng Cecilio Apostol High School. Ang alam ko 25 years lang ang kontrata roon kaya dapat ipatupad ang deed of possession dahil hindi naman pag-aari ng Gotesco ang lupang ‘yun,” ani Bederio.