Bumalikwas mula sa 18-23 pagkakaiwan ang San Sebastian College para biguin ang tangkang fourth set na hirit ng Jose Rizal University (JRU) at iposte ang straight sets, 25-12, 25-16, 26-24 panalo sa NCAA Season 91 volleyball tournament sa Ninoy Aquino Stadium.

Nagtala ng 21-puntos si Gretchel Soltones kabilang na rito ang pito sa huling walong puntos ng laro upang pamunuan ang panalo.

Dahil dito, umangat ang Lady Stags sa solong pamumuno hawak ang malinis na barahang 6-0, panalo- talo.

Nagdagdag naman ng 10- puntos si Nikka Dalisay at 7- puntos si Katherine Villegas para sa nasabing panalo.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Sa kabilang dako, nanguna naman para sa Lady Bombers na bumaba sa barahang 3-4,panalo- talo, sina Rosalie Pepito at Ma. Shola Alvarez ng 11 at 10- puntos, ayon sa pagkakasunod.

Sa isa pang laro, nakamit ng San Beda College ang ikalawang panalo sa pitong laro matapos talunin ang event host Letran, 21-25, 25-15, 25-11,25-22.

Dahil sa kabiguan, nanatiling winless ang Letran matapos ang anim na laban.

Sa kalalakihan, ginulat naman ng Knights ang Red Lions, 25-19,25-23, 23-25, 26-24.

Bunga nito, bumagsak ang San Beda sa kartadang 4-3 habang umangat ang Letran sa 2-4, panalo- talo. (Marivic Awitan)