Pinasalamatan ni Sen. Grace Poe-Llamanzares ang isang retiradong huwes sa Bacolod City na nag-alok ng P300,000 na pabuya sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa tunay na magulang ng mambabatas.

Sa isang pahayag, pinasalamatan ni Poe si Judge Jesus Nograles Rodriguez Jr. at ang iba pang indibidwal na nangalap ng reward money upang mahanap ang kanyang biological parents.

“I welcome their help and I pray that their well-meaning efforts would lead to the truth we are all looking for,” pahayag ni Poe.

“It is no secret that I have spent many years trying to find my biological parents. All foundlings want to know who their real parents are. All foundlings go through a difficult process, growing up—as a child, as a teenager and even as an adult—they wonder, they ask. I am no different. I went through the same ordeal. I have been yearning to know,” dagdag niya.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Inampon ng yumaong aktor na si Fernando Poe Jr. at ng premyadong aktres na si Susan Roces, sinabi ni Poe na ilang ulit na siyang bumisita sa Iloilo City upang matukoy ang kanyang tunay na magulang.

Umaasa naman ang mga tagasuporta ni Poe na magkakaroon ng positibong resulta ang pag-aalok ng pabuya upang maibasura ang kasong diskuwalipikasyon na inihain sa Commission on Elections (Comelec) laban sa kandidatura ng senadora sa pagkapangulo sa 2016.

Nag-ambag din ang anim na golfing buddies at kaibigan ng 76-anyos na si Rodriguez sa Negros Occidental sa P300,000 pabuya upang matukoy ang tunay na magulang ni Poe. (Hannah L. Torregoza)