Tapos na ang masasayang araw ng isang negosyante na sangkot sa multi-milyongpisong pyramiding scam, makaraan siyang maaresto ng pulisya sa entrapment operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Nakakulong ngayon sa Northern Police District (NPD) at nahaharap sa kasong syndicated estafa si Norbert Doria, 36, ng 16-B Intan Street, Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Si Doria ay presidente ng Direct Marketing Group International na umano’y nakapanloko ng mahigit 1,000 katao.

Ayon kay NPD Director Chief Supt. Erick Reyes, dakong 6:00 ng hapon nang nagtungo sa kanyang opisina si Bernadette Duetriz para ireklamo ang suspek.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Base sa sumbong ni Duetriz, patuloy na nangangalap ng salapi si Doria sa mga investor bagamat iniutos na ng Security and Exchange Commission na ilegal ang ganitong uri ng transaksiyon.

Dahil dito, isinagawa ni Reyes ang entrapment operation, sa pangunguna ng District Special Operation Unit, sa isang food chain sa EDSA, Caloocan City.

Matapos abutin ni Doria ang halagang P60,000 mula kay Duetriz kaagad siyang pinosasan ng mga pulis. (Orly L. Barcala)