Pasikip na ng pasikip ang daan para sa mga Pilipinong atleta na makapagkuwalipika sa 2016 Rio Olympics.

Ito ang sinabi ni Rio Olympics Chef de Mission at Philippine Olympic Committee (POC) 1st Vice-president Jose “Joey” Romasanta matapos itong dumalo sa pulong para sa mga delegasyon ng bawat miyembrong bansa na sasabak sa kada apat na taong torneo sa Brazil.

“Only the athletics and swimming will be given the Universality qualification,” sabi ni Romasanta, presidente din ng Larong Volleyball ng Pilipinas Inc. (LVPI). “Iyan ang huling info na ibinigay sa atin noong meeting sa Jakarta whereas the Sports Ethics Committee said that all other will be through direct qualifying or through invitational places.”

Ipinaliwanag ni Romasanta na isang malaking dagok para sa Pilipinas ang desisyon dahil malilimitahan nito ang tsansa ng iba pang mga pambansang atleta na makapagkuwalipika gayundin sa mga babaeng manlalaro na nais palakasin base sa adhikain ng IOC.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

“Mas maganda sana dahil mas maraming participation at most especially on gender equality, kaya kung may qualifier ka na sa lalaki like in athletics na qualified na si Eric Cray ay puwede ka na mag-apply para may representation ang mga babae,” sabi ni Romasanta.

“However, it is very different sa swimming dahil dapat sumali sa mga competition and they must all maintain the minimum standard for them to be given a slot or invitation to swim for a particular event,” sabi ni Romasanta.

Ipinaliwanag pa ni Romasanta na prayoridad ng IOC at host na Brazil na mabigyan din ng pagkakataon ang mga bansa na hindi pa nakakapagpadala ng mahigit sa walong atleta sa nakalipas na edisyon ng Olimpiada.

“We want to tell our national sports associations na sana ngayon pa lamang ay mag-apply na sila because the IOC is only giving priorities to the countries na hindi pa nakakapagpadala ng kahit na walong atleta sa Olympics. Unlike us, we have 15 and 11 during Beijing and London kaya mahihirapan tayo,” sabi pa nito.

Sa kasalukuyan, mayroon pa lamang apat na kuwalipikado ang Pilipinas sa susunod na taong Olimpiada na sina Eric Shauwn Cray na sasabak sa 400m hurdles sa athletics, Hidilyn Diaz sa 53kg sa weightlifting at ang mga golfers na sina Angelo Que at Jennifer Rosales. (Angie Oredo)