NAKAKAGULAT na mas malaki pa pala ang tax na binabayaran ng mga sikat na artista kumpara sa kilalang malalaking negosyante sa Pilipinas batay sa inilabas ng Bureau of Internal Revenue na listahan ng top 500 individual taxpayers noong 2014.
Sa hanay ng celebrities, as expected, pinakamalaki ang binayarang tax ni Manny Pacquiao na dollar ang kinita sa mga nakaraang laban niya sa ibang bansa bukod pa sa endorsement deals.
Umabot sa P210,305,927.00 ang binayaran ng Pambansang Kamao.
Sumunod ang honest taxpayer at talagang ibino-broadcast pa kung magkano at dalangin na sana ay mapunta sa mga tamang proyekto, si Kris Aquino na P54,530,635.00 naman ang binayarang buwis.
(Editor’s note: No. 2 si Manny at No. 6 naman si Kris sa listahan. Labas po sa ulat na ito ang ibang taxpayers na wala sa entertainment industry.)
Pang-13 ang ranggo ni Sharon Cuneta na nagbayad naman ng P49,117,122.00.
Sumunod si John Lloyd Cruz, 22nd highest taxpayer sa buwis na P37,701,343.00.
Si Anne Curtis ang ika-32 sa binayarang P31,465,873.00.
Pumuwesto naman sa 45th slot si Vic Sotto na nagbayad ng P27,001,073.00
Ang Box Office King ng 2014 na si Piolo Pascual, nagbayad ng P26,423,395.00, ay nasa 48th spot.
Pumasok sa 66th slot si Coco Martin sa binayarang tax na P22,017,644.00.
Dahil sa napakaraming endorsements at jampacked lahat ng concerts ay nakamit ni Sarah Geronimo ang 72th sa binayarang P21,471,618.00.
Ang leading man ni Kris sa All You Need is Pag-ibig na si Derek Ramsay ay nasa 90th slot, nagbayad ng P20,022,099.00 sa buwis.
Nasa 98th naman si Marian Rivera sa binayarang P19,000,949.00.
Ang mga artistang nasa 100 plus rank ay sina Bea Alonzo, pang-112 sa binayarang P17,323,425.00; si Michael V naman ay nasa 121st (P16,736,485.00); Judy Ann Santos landed in 133th (P15,964,435.00); si Vice Ganda ang pang-137 (P15,762,986.00); 185th si Joey de Leon 185th (P12,903,144.00), si Kim Chiu ay nasa 187th (P12,798,376.00).
Ang Box Office Queen ng 2014 na si Toni Gonzaga ay nasa 192nd slot (P12,666,734.00); sinundan ni Robin Padilla na pang-197 (P12,574,707.00), at sina Richard Yap ay nasa 310th (P9,401,779.00); Jodi Sta. Maria, No. 381 (P8,369,917.00); si Daniel Padilla na nagbayad ng P8,278,942.00 ay nasa ika-392 puwesto; si Kathryn Bernardo na nagbayad naman ng P8,027,238.00 ay pang-414; Heart Evangelista, 445th (P7,681,435.00); si Jessica Soho ay nasa 344th slot sa binayarang P8,935,893.00.
Pasok sa puwesto as 101st ang outgoing president/CEO ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos-Concio sa binayarang P18,764,317.00.
At take note, Bossing DMB, nag-donate si Ma’am Charo ng P1M cash para ipa-raffle sa ginanap na Christmas party ng mga empleyado ng ABS-CBN last weekend.
Ikaw na, Ma’am Charo! (REGGEE BONOAN)