BABALIK na this week mula Italy sina Liza Soberano, Matteo Guidicelli, Direk Cathy Garcia-Molina at production staff na nag-taping doon ng Dolce Amore, ang bagong teleserye nina Liza at Enrique Gil sa ABS-CBN.

Kaya nandito sila sa Pilipinas para mag-celebrate ng Pasko. Iba pa rin ang Paskong Pinoy, at proven na ‘yan, ha!

Si Enrique pa rin ang leading man ni Liza, kaya walang dapat ika-beast mode ang LizQuen fans. Hindi nga lang alam ni Ogie Diaz kung ano ang role ni Matteo, kaya wala siyang naikuwento nang aming tanungin.

Ang nabanggit ni Ogie, nag-aral ng Italian si Liza para sa role niya sa Dolce Amore at hindi na bago ito sa kanya dahil noong ginawa nito ang Forevermore, nag-aral din ng wikang Ilocano ang aktres.

Ogie Diaz, pinayuhan ang BINI na 'wag nang mag-Jabbawockeez ulit

Sa kanyang Instagram account, nagpo-post in Italian si Liza at ang ganda sigurong pakinggan na nagsasalita siya in Italian kapag nag-airing na ang Dolce Amore. (NITZ MIRALLES)