LITTLE Nanay Hotties ang tawag ng fans kina Mark Herras, Juancho Trivino at Hiro Peralta, ang naggwapuhang aktor na kasama ni Kris Bernal sa nabanggit na family light drama na sinusubaybayan at nagugustuhan ng maraming viewers.

Sina Mark at Juancho ang gumaganap na kuya ni Tinay at nakikilala sa mga pangalang Peter Parker at Bruce Wayner Batongbuhay. Si Hiro naman sa papel ni Archie, ang “Supernam” ni Tinay, best friend, love of her life at ama ng kanyang anak na si Chiechie.

Kung dumami ang fans ni Kris dahil sa mahusay na pagganap sa role ng isang babaeng may intellectual disability, ganoon din ang tatlong hotties. Kumbaga, na-rediscover si Mark dahil sa Little Nanay. Effective raw pala si Mark sa ganitong roles na chill lang, walang angas at walang ka-love team.

Nadiskubre rin, lalo na ng hindi talaga Kapuso viewers na leading men material sa looks, height at impact sina Juancho at Hiro. Both are tall at parehong guwapo at sana nga, tuluy-tuloy na ang pagbi-build up sa kanila ng GMA-7.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

(Nitz Miralles)