Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na ang inisyal na listahan ng mga aspirant na ilalabas sa Miyerkules ay halos katulad sa final list ng mga kandidato na isasama sa mga balota para sa local at pambansang halalan sa Mayo 2016.

“What we want by Dec. 23, when we come out with the list, although it will not yet be final, more or less, we want it to be close to the final list of candidates already,” sabi ni Comelec Chairman Juan Andres Bautista.

Noong nakaraang lingo, ipinagpaliban ng Commission en banc ang paglabas ng official list of candidates mula Disyembre 15 hanggang Disyembre 23, dahil mayroon pang mga nakabitin na ilang kasong kinasasangkutan ng mga posibleng kandidato.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sinabi ni Bautista na ang listahang ilalabas sa Miyerkules ay maaari pang baguhin hanggang sa Enero 8.

“The initial list, we want to have it by Dec. 23… And when can we no longer edit the list? We want it on Jan. 8,” dagdag niya.

Kabilang sa mga posibleng kandidato sa nalalapit na halalan na may disqualification case sa Comelec sina presidential aspirants Sen. Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Target ng Comelec na masimulan ang pa-iimprenta ng official ballots sa ikatlong linggo ng Enero. (PNA)