NEW DELHI (AFP) — Isang chartered Indian aircraft na sakay ang ilang militar ang sumabog matapos bumulusok na ikinamatay ng lahat ng 10 pasahero nito malapit sa paliparan ng New Delhi noong Martes.

Nagliyab ang maliit na twin-engine plane nang bumulusok sa isang pader ilang sandali matapos lumipad mula sa Indira Gandhi International airport.

“It’s a matter of grave concern that the plane crashed soon after take-off. I am extremely sad to say that all 10 people including the pilot have died,” sabi ni Mahesh Sharma, ang junior civil aviation minister, sa mamamahayag.
Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM