Bilang pagpapahalaga sa tradisyong Pinoy, pinayagan ng Sandiganbayan si dating Congressman Edgar Valdez, ng Association of Philippine Electric Cooperatives (APEC), na makalabas ng piitan ng walong oras upang makadalo sa kasal ng kanyang anak.

Sa kautusan na inaprubahan noong Disyembre 18, inaprubahan ng Sandiganbayan Fifth Division ang Urgent Motion to Grant Furlough na inihain ng kampo ni Valdez halos isang buwan na ang nakararaan.

Binigyan ng anti-graft court si Valdez ng walong oras upang makapiling ang kanyang pamilya sa kasal ng anak niyang si Renjo Valdez, sa Mary the Queen Parish sa Greenhills, San Juan City sa Disyembre 27.

Gaganapin ang reception ng nakababatang Valfez sa Manila Peninsula Hotel sa Makati City.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“For humanitarian considerations, the Court resolves to Grant the instant motion of accused-movant, over the objections of the prosecution,” ayon sa korte.

Lumitaw sa court records na gaganapin ang kasal sa ganap na 2:00 ng hapon sa San Juan, habang ang dinner reception ay itinakda ng 6:30 ng gabi sa Makati City.

“In his motion, accused movant prays that he be allowed to attend the nuptial of his eldest son on December 27, 2015 in keeping with the Filipino custom and tradition that the father and the mother of the groom will walk their son up the aisle to the altar,” ayon sa Sandiganbayan.

Kasalukuyang nakapiit ang dating party-list congressman sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, kaugnay ng kasong plunder na may kinalaman sa umano’y anomalya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel fund. (Ben Rosario)