LA PAZ, Tarlac — Naniniwala ang pulisya na ang natagpuang bangkay ng isang lalaki sa binabahang palayan ng Sitio Libtong, Barangay San Roque sa La Paz, Tarlac ay tinangay ng malakas na agos ng tubig na dulot ng bagyong “Nona”.

Inilarawan ni SPO1 Dominador Yadao, investigator-on-case, ang natagpuang bangkay na kayumanggi ang kulay, tinatayang 5’ 6’’ ang taas, mahigit 55 taong gulang, nakasuot ng brown na Dickies polo shirt, maong short pants at brown nylon belt.

Ang hindi pa nakikilalang bangkay ay pinaniniwalaang nagmula sa ibang bayan at tinangay ng agos matapos malunod.

Nakalagak ngayon ang bangkay sa Ilagan Funeral Parlor, F. Tanedo Street, Tarlac City. (Leandro Alborote)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?