Inaprubahan ng Baguio City government ang suspension ng number coding scheme, para sa mga banyaga at lokal na turistang inaasahang aakyat sa mountain destination ngayong Kapaskuhan.

Nilagdaan ni Mayor Mauricio Domogan ang Administrative Order 172, para sa suspension ng number coding scheme ng Baguio simula Disyembre 21 hanggang 31, 2015.

Aminado si Domogan na tuwing long holiday ay nakararanas ang lungsod ng matinding trapik, gayunman kailangan aniyang bigyan ng pagkakataon ang kanilang mga bisita na makalibot at mabisita ang iba’t ibang tourist spots sakay ng kanilang mga sariling sasakyan.

Ang suspension ay nakaangkla sa City Ordinance 1, section 6 as amended by section 1 of Ordinance 107, series of 2008, na hindi isinasama ang private motor vehicles at chartered public utilities ng mga bisita, turista at bakasyunista sa nasabing traffic reduction scheme. - Zaldy Comanda
National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela