Kumain ng alikabok ang ibang presidentiable kay Sen. Miriam Defensor-Santiago matapos itong humataw sa survey na isinagawa ng University of Santo Tomas (UST) kamakailan.

Ito na ang ikatlong student survey kung saan nanguna ang beteranong mambabatas matapos siyang maghain ng kanyang kandidatura sa Commission on Elections (Comelec) noong Oktubre.

Ang resulta ng survey ay nailathala sa The Varsitarian, ang official student publication ng UST, kung saan nakakuha si Santiago ng 66 porsiyento ng boto mula sa 1,366 respondent.

Ang mga survey ay isinagawa noong Oktubre 26 hanggang Disyembre 10. Bukod kay Santiago, walang ibang kandidato sa pagkapangulo ang nakakuha ng two-digit score sa mga survey.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nakakuha si Liberal Party standard bearer Mar Roxas ng walong porsiyento; Sen. Grace Poe, limang porsiyento; at Vice President Jejomar Binay, tatlong porsiyento.

Labingpitong porsiyento ng mga respondent ang hindi nakapagdesisyon kung sino ang iboboto.

“Clearly, students know that the presidency is no place for the weak-minded, the inexperienced, or the corrupt. It appears that they give weight to my criteria for leaders: academic excellence, professional achievement, and sincerity,” pahayag ni Santiago.

Matatandaan na nanguna rin si Santiago sa dalawa pang university survey – Polytechnic University of the Philippines (PUP) at University of the Philippines-Los Banos (UP-LB). - Hannah L. Torregoza