Pinalakas pa ng Quezon City government ang batas na nagbibigay proteksiyon sa kababaihan kaugnay sa isinusulong na United Nations Equity for Gender Equality and the Empowerment of Women (UN Women), Spanish Agency for International Cooperation and Development laban sa street harassment at sexual violence sa mga pampublikong lugar.

Nagkasundo sina UN Resident Coordinator to the Philippines Ola Almgren, Spanish Agency for International Cooperation and Development head Juan Pita at QC Mayor Herbert Bautista na palawakin pa ang ipinatutupad na programa na magtitiyak sa kaligtasan at kapakanan ng kababaihan sa bansa laluna sa QC.

Ito ay bahagi ng hakbang para ipagdiwang ang pag-obserba sa 18-araw na pandaigdigang kampanya para wakasan ang karahasan sa kababaihan.

Sa selebrasyon, kinilala nina Almgren at Pita ang QC na isa sa pinakamaunlad na siyudad sa bansa na nagpasa ng mga batas na nangangalaga sa kapakanan ng kababaihan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nangako rin ang lokal na pamahalaan na aamyendahan ang QC Gender and Development Code at itaas ang parusa sa mga kaso ng sexual harassment o karahasan sa lansangan.

Kaugnay nito, nahirang ang QC bilang Philippine partner ng UN Women para pangunahan ang pagpapatupad ng flagship program ng ahensiya na nananawagan ng mas matinding pagkilos.

Ito ay para labanan at hadlangan ang mga insidente ng sexual harassment at iba pang uri ng sexual violence laban sa kababaihan at kabataan. (Jun Fabon)