Nabigo si Pinay boxer Jujeath Nagaowa na masungkit ang WBO female atomweight belt makaraang matalo siya ng kampeong si Nao Ikeyama ng Japan via 10-round unanimous decision sa kauna-unahang paboksing sa Colombo, Sri Lanka kamakalawa ng gabi.

Nakipagsabayan ang tubong Benguet na si Nagaowa kay Ikeyama ngunit mas mabilis ang mga bigwas ng 46-anyos na Haponesa at maiwasan ang mga pamatay na suntok ng Pinay boxer na naglalaro rin sa mixed martial aqrts (MMA).

Magugunitang, naging kontrobersyal si Nagaowa nang buwisan ng Bureau of Customs (BoC) ang napanalunan niyang WIBA International light flyweight belt na nakuha niya nang talunin niya sa puntos si Chinese You Jie Lou noong Hunyo 6, 2015 sa Macau, China.

Ito ang ika-sampung kabiguan ng 28-anyos na si Nagaowa na masungkit ang kampeonatong pandaigdig sa kababaihan kaya plano na lamang niyang mag-focus sa MMA pagbalik sa bansa.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Napaganda ni Ikeyama ang kanyang rekord sa 16-3-1 win-loss-draw na may apat panalo sa knockout para maipagtanggol sa ikatlong pagkakataon ang titulong nakuha niya nang talunin sa puntos ang Pinay ring si Jessebelle Pagaduan samantalang bumagsak ang kartada ni Nagaowa sa 13-16-1 win-loss-draw na may 8 panalo sa knockout.