Ni ANGIE OREDO

Kumpirmado na ang Pilipinas bilang host ng isang malaking internasyonal na torneo matapos na ihayag noong Sabado ng Asian Volleyball Confederation (AVC) ang anim na indoor volleyball tournament na ioorganisa sa 2016 para bigyan ng mahabang panahon ang mga koponan na interesadong sumali sa maagang pagsusumite ng rehistrasyon.

Base sa timeline para sa 2016 AVC Competition Calendar, ang 18th Asian Men’s U20 Championship ang unang AVC event na isasagawa sa susunod na taon na ihohost ng Chinese Taipei sa pagitan ng Hulyo 9 at 17, kasunod ang 18th Asian Women’s U19 Championship sa Nakhon Ratchasima, Thailand simula Hulyo 23 hanggang 31.

Matapos ang matagumpay na hosting sa 2015 Asian Men’s U23 Championship, mas malaking hakbang ang ninanais ng Myanmar sa pag—organisa ng internasyonal na torneo. Ang bansa sa Southeastern Asian na binubuo ng mahigit na 100 ethnic groups ay isasagawa ang Asian Men’s Club Championship sa pagitan ng Agosto 23 at 31.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang Pilipinas, na matagumpay na inilunsad ang 1st Asian Women’s U23 Championship nito lamang 2015, ang siya naman maghohost sa pinakamaigting na labanan para sa mga dating miyembro ng mga pambansang koponan na 2016 Asian Women’s Club Championship simula sa Setyembre 3 hanggang 11.

Ang Vietnam, na regular naghohost ng mga AVC competition na huli ang 2015 Asian Women’s Club Championship sa Ha Nam, ang kumpirmadong host ng 5th AVC Cup for Women sa Setyembre 12 at 18, kasunod ang 5th AVC Cup for Men sa Setyembre 19 hanggang 25 sa India, na siyang season-ending na torneo ng AVC sa 2016.

Agad na itinakda ang pagbubukas para sa pagsali sa AVC at organizer ng anim na torneo hanggang Disyembre 31, 2015, habang ang late entry ay dapat maisumite sa AVC bago mag-Enero 16, 2016.