ISULAN, Sultan Kudarat - Mahaba-habang panahon na ring halos hindi natutubigan ang libong ektarya ng mga sakahan sa Sultan Kudarat, kaya naman labis ang naging pasasalamat ng mga magsasaka sa malakas na ulan na dulot ng bagyong ‘Onyok’ nitong Biyernes at Sabado.

Ayon sa mga magsasaka, nakatulong ang ulan sa mga palayan sa President Quirino, Lambayong, Tacurong City at Isulan.

Tumaas din, anila, ang water level sa mga ilog ng Ala at Kapingkong, na pinagkukuhanan ng irigasyon ng mga magsasaka.

Sa kabila nito, naging alerto naman ang rescue groups ng Provincial Social Welfare and Development Office, partikular sa mga bayan ng Bagumbayan, Isulan, Lebak, Esperanza at Lambayong, laban sa posibilidad ng baha at pagguho ng lupa mula sa kabundukan. (Leo P. Diaz)
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente