AALIS na ba ni Jasmin Curtis-Smith sa Happy Truck ng Bayan?

Naitanong namin ito dahil narinig namin ang usapan ng mga taga-TV5 sa Kidsmas Party nila para sa entertainment press sa Novotel, Araneta Center noong Huwebes (December 17) na may bagong show si Jasmin under Viva.

Si Boss Vic del Rosario na ang bagong entertainment head ng TV5, at nabanggit niya sa speech na maraming aabangan ang manonood sa 2016.

Bilang lang sa daliri sa kamay kung ilang beses napapanood si Jasmin sa Happy Truck ng Bayan, e, kilala namin ang TV host/actress na hindi mahilig mag-absent sa dating shows niya sa TV5. Sabagay, marami namang hosts ang naturang Sunday show kaya okay lang na wala siya.

Bea, ayaw na sa new year's resolution; 2024, 'hardest year' ng kaniyang buhay

Tinanong namin kahapon sa pamamagitan ng text message ang manager ni Jasmin na si Ms. Betchay Vidanes kung aalis na nga ang alaga niya sa Happy Truck ng Bayan.

“Wala pa naman instructions from TV5 kung aalisin na kami,” kaswal na reply niya.

Bakit laging wala si Jasmin sa Happy Truck ng Bayan? “Mayroon kasing previous commitment si Bagets (Jasmin), wait lang kami ng instructions ‘pag sinabi ng TV5 na gagawa siya ng ibang project, sunod lang kami.”

Nabanggit din ni Betchay na si Jasmin ang leading lady ni Richard Gutierrez sa fantaseryeng Ang Panday na ipalalabas sa 2016.