Rafael Dos Anjos, UFC.Com
Rafael Dos Anjos, UFC.Com

Bilang isa sa dalawang kampeon mula Brazil sa UFC, siniguro ni Rafael Dos Anjos na mananatili sa kanyang bewang ang lightweight belt makaraang matalo nito ang top contender na si Donald Cerrone at tapusin agad ang laban sa unang round pa lamang sa kanilang rematch noong Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Manila).

Ang 155-poundfighter ay solidong napanatili ang kanyang reputasyon bilang UFC’s lightweight king.

Si Cerrone na tinaguriang “Cowboy” ay masasabi ring matibay na fighter, subalit wala itong maisagot sa striking prowess na si Dos Anjos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa simula pa lamang ng kanilang laban ay nakatikim na si Cerrone ng sipa na tumama sa kaliwang bahagi ng katawan na lubhang ininda nito. Sinundan pa ito ng sunud-sunod na suntok ng lightweight king at makorner ito sa ring.

Bilang kredito naman kay Cerrone, nadepensahan niya naman ang kanyang sarili sa mga bigwas at atake ni Don Anjos kung kaya’t itinuloy pa rin ng referee na si Herb Dean ang laban.

Gayunman, makaraan ang mga suntok ni Don Anjos kay Cerrone, nakakita ng matibay na dahilan si Dean na pigilin na ang laban pagkalipas ng 1:06 marka sa unang round.

Makalipas ang laban, agad na nananawagan si Don Anjos kay featherweight champion Conor McGregor, na labanan siya nito. Matatandaang, nagpahayag si McGregor ng kanyang intensiyon na umakyat na sa 155-pounds at lumaban para sa titulo.

“Listen, McGregor. If you want to come to the lightweight divison, this is my division,” ang pahayag ni Dos Anjos. “He better stay at the featherweight division. I am willing to fight you in Brazil, I will go to Ireland to face you there. Whatever you want, man. I’m here to stay.”

Sa co-main event ng nabanggit na laban, nagpamalas ng malakas na puwersa si dating PRIDE FC veteran Alistair Overeem matapos na maknock-out nito ang dating UFC heavyweight champion na si Junior Dos Santos sa second round ng kanilang laban.

Si Overeem ay nagpakita ng mas masaklaw na karunungan, sa paiba-bia nitong pag-atake samantalang si “Cigano” ay gumamit ng kanyang boxing skills na kung saan siya mas kilala.

Subalit ang final moment ay ipinamalas ni Overeem sa second round, kung saan bumagsak ang malakas na suntok nito sa baba ni Dos Santos, at sunud-sunod pang bigwas ng suntok nito at tuluyang bumagsak ni Dos Santos na naging dahilan upang tapusin na ng referee na si Dan Miragliotta ang laban sa loob ng 4:43 minutong marka. - Abs-Cbn Sports