SA sampung bituing tinaguriang Stars ‘66 ng defunct Sampaguita Pictures ay bukod tanging si Gina Pareño ang nanantiling aktibo sa pagganap. Ang maganda pa ay kung kailan siya nagkaedad, lalong humusay ang kanyang pag-arte.

Palagiang nagtitext ang aktres kay Bro. Jun sa Dr. Love Radio Show sa DZMM. It must be personal messages dahil greeting lang ang iginaganti ni Dr. Love.

Starstruck si Bro. Jun Banaag nang maging panauhin niya ang aktres last Friday. Ito ang una nilang pagkikita sa personal na ikinalugod din ng maraming tagapakinig at tagahanga ni Bro. Jun.

Inamin ng aktress na maraming nabago sa kanyang buhay sapul nang ma-adik siya sa Dr. Love program lalo na kung tungkol sa pananampalataya ang pag-uusapan.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

“Isa akong Katoliko pero hindi sarado. Manaka-naka kung sumimba. Sa pakikinig ko sa mga paliwanag ni Bro. Jun ay lumalim ang aking pananaw at pakikipagrelasyon sa Diyos. Gusto ko rin ang paraan ng kanyang pagpapayo sa mga taong may suliranin, diretsahan pero tapat at may halong pagmamahal o concern sa caller,” kuwento ng aktres. Tagapakinig din si Gina ng panghapong radio program ni Bro Jun na ang itinatampok ay pawang mga lumang awitin.

Tuluyan nang nawala ang counselling portion nang dumating si Dulce, a good friend ni Bro.Jun at siyempre hindi pupuwedeng hindi umawit si Dulce, ang timeless diva. Una niyang inawit ang Paano ni George Canseco na sinundan ng isang masayang awiting Pamasko.

Marami ang nag-text asking for more pero sadyang kapos na sa oras at nangako si Dulce na sa kanyang pagbabalik ay mini-concert ang kanyang ihahanda para sa followers ng Dr. Love Radio show.

—Remy Umerez