MAKASSAR, Indonesia (AP) — Nailigtas ng mga rescuer ang 39 katao habang tatlo ang namatay nang lumubog ang isang pampasaherong bangka sa central Indonesia matapos hampasin ng malalaking alon, at nagpatuloy ang rescue operations nitong Lunes para sa mga nawawala pa rin.

Patungo ang fiberglass ferry sa Kolaka sa Southeast Sulawesi province tumatawid sa Gulf of Bone patungo sa bayan ng Siwa sa South Sulawesi province, nang hampasin ito ng malalaking alon na umaabot sa mahigit 3 metro ang taas sa mabagyong panahon noong Sabado, sinabi ni Roki Asikin, pinuno ng search and rescue agency sa Makassar, ang kabisera ng South Sulawesi.

Sakay ng bangka ang 10 pasahero at 12 crew member. Kabilang sa mga pasahero ang 14 na kabataan.

Nagpatuloy ang paghahanap sa 80 kataong nawawala nitong Lunes matapos itong ihinto noong Linggo ng gabi.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM