Sinorpresa ng Arellano University ang defending seniors champion San Beda College, 2-1, upang mapanalunan ang first round ng NCAA seniors football tournament sa Rizal Memorial Stadium.

Dahil sa panalo ay nakamit ng Chiefs ang maximum na 18-puntos sa pagtatapos ng unang round na tumiyak ng kanilang pag-usad sa finals ng torneo.

Kailangan na lamang ng Arellano na mawalis ang tatlong laro sa 4-team second round upang ganap na tanghaling outright champion ngayong NCAA Season 91 football competition.

Isang free kick ang ipinasok ni Ronald Espinosa sa second half na siyang nagbigay sa kanila ng kalamangan at nagsilbing wining goal ng laban.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Unang umiskor para sa Arellano si Robert Corsanes sa isa ring free kick sa bungad ng second half kasunod ng unang goal ng laban na naitala ng Red Lions sa pamamagitan ni Conor Tacagni sa first half.

Ito ang unang pagkakataon na may umiskor ng goal kontra San Beda na nagposte ng kabuuang 43 goals sa unang tatlo nilang laban.

Dahil dito, nagtapos silang katabla ng College of Saint Benilde, na nagwagi naman kontra Lyceum of the Philippines, 3-1 sa ikalawang posisyon taglay ang tig-13 puntos.

Gayunman, kinukunsidera pa ring No.2 ang Red Lions dahil sa malaking goal difference kontra Blazers.

Bumaba naman ang Pirates sa ika-apat na puwesto kasama ng kanilang kapitbahay sa Intramuros na Mapua na may tig-7 puntos.

Ngunit ang Lyceum ang nagkamit ng huling upuan sa susunod na round dahil sa mas mataas na goal difference.

Sa isa pang laban, nagtapos naman ang kampanya ng University of Perpetual Help System Dalta sa pamamagitan ng panalo makaraang gapiin ang Emilio Aguinaldo College, 7-2 para makakuha ng 3 puntos. - Marivic Awitan