Maagang nakatanggap ng “pamasko” mula sa pamahalaan ang 18 dating miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos silang sumuko sa awtoridad sa Camp Bancasi sa Butuan City upang magbagong buhay.

Ayon sa militar, ang mga sumukong NPA fighter ay dating mga miyembro Communist Party of the Philippines (CPP)-NPA North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC).

“Ito ay isang magandang regalo para sa masayang selebrasyon ng aming pamilya sa Pasko,” pahayag ni Jonathan Nacar, isa sa mga benepisyaryo.

Nabiyayaan si Nacar ng karagdagang P52,000 sa ilalim ng “AFP Balik Baril, Bayad Agad” program matapos niyang isuko ang kanyang AK-47 assault rifle sa militar.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Sa ginanap na turnover ceremony, sinabi ni Nacar na naniniwala na siya ngayon sa mga pangako ng gobyerno na tutulungan nila ang mga rebeldeng komunista na nais ng mabuhay ng normal.

“Tama ang aking naging desisyon nang ako ay sumuko. Ang aming pamilya, kasama ang aking mga kasamahan sa kilusan, ay masaya sa ipinaabot na pagtulong mula sa pamahalaan,” giit ni Nacar.