GENEVA (Reuters) — Inaasahang lalagpas sa rekord na 60 milyon ang bilang ng mga taong napilitang lumikas sa buong mundo ngayong taon, karamihan ay itinaboy ng Syrian war at iba pang mga kaguluhan, sinabi ng United Nations noong Biyernes.

Kabilang sa tinatayang bilang ang 20.2 milyong refugee na tumatakas sa mga giyera at pagpapahirap, ang pinakamarami simula noong 1992, iniulat ng U.N. High Commissioner for Refugees (UNHCR).

Halos 2.5 milyong asylum request ang nakabitin, na ang Germany, Russia at United States ang tumatanggap ng pinakamaraming bilang na halos isang milyong bagong claim na idinulog sa unang kalahati ng taon, ayon dito.

“2015 is on track to see worldwide forced displacement exceeding 60 million for the first time - 1 in every 122 humans is today someone who has been forced to flee their homes,” ayon dito. Ang kabuuang bilang nang magtapos ang 2014 ay 59.5 milyon.

National

VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!’

Tinatayang 34 milyon katao ang internally displaced sa kalagitnaan pa lamang ng taon, mas mataas ng halos 2 milyo kaysa parehong panahon noong 2014. Ang Yemen, na sumiklab ang civil war noong Marso, ang nag-ulat ng pinakamataas na bilang ng mga bagong likas sa 933,500.

“Never has there been a greater need for tolerance, compassion and solidarity with people who have lost everything,” sabi ni Antonio Guterres, U.N. High Commissioner for Refugees, sa isang pahayag.

Nasa pinakamababang antas din ang voluntary returns – ang sukatan kung gaano karaming refugee ang maaaring ligtas na makabalik sa kanilang mga tirahan - sa loob ng mahigit tatlong dekada, sa 84,000 katao lamang na nagbalik sa kalagitnaan ng taon kumpara sa 107,000 ng parehong panahon sa nakalipas, ayon sa UNHCR.

Maraming refugee ang mapapadpad sa ibang lugar sa loob ng maraming taon, ayon dito. “In effect, if you become a refugee today your chances of going home are lower than at any time in more than 30 years.”