Itataya ni dating WBC International flyweight champion Renan Trongco ang kanyang world ranking sa pagkasa sa Hapones na si Yuki Yonaha sa Disyembre 26 sa Central Gym, Kobe, Japan.

Kasalukuyang No. 15 kay WBC flyweight champion Roman Gonzalez ng Nicaragua, tiyak na mawawala si Tronco sa WBC rankings kapag natalo kay Yonaha matapos siyang matalo sa kanyang huling laban kay Renz Rosia via 10thround TKO noong nakaraang Agosto 22 sa Elorde Sport Complex sa Paranaque City.

Kabaligtaran naman ang kaso ni Jestoni Autida na matapos ang dalawang panalo sa abroad ay tatangkaing sungkitin ang world ranking ng Hapones na si ex-OPBF super flyweight champion Ryo Matsumoto sa Disyembre 29 sa Ariake Colosseum sa Tokyo, Japan.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Kasalukuyang WBO No. 4 at WBC No. 10 sa bantamweight at IBF No. 8 sa super flyweight division si Matsumoto kaya malaki ang mawawala sa Hapones kapag na-upset ni Autida.

Sa kanyang huling dalawang laban, tinalo ni Autida sa 6-round majority decision ang beteranong si Chinese Xinghua Wang sa sagupaan noong Hunyo 6, 2015 sa Macau, China bago tinalo sa 10th round TKO si Thai Ratchasak KKP para matamo ang WBA Asia bantamweight title noong Agosto 14, 2015 sa Hat Yai, Thailand. (Gilbert Espeña)