Tumatag sa ikatlong puwesto ang College of St. Benilde makaraang walisin ang nakatunggaling Mapua, 25-10, 26-24, 25-20 sa NCAA Season 91 volleyball tournament sa Ninoy Aquino Stadium noong nakaraang Biyernes ng hapon.

Nagtala ng 12-puntos si Jeanette Panaga at 10-puntos naman si Janine Navarro upang pangunahan ang nasabing panalo ng Lady Blazers kontra Lady Cardinals.

Ang panalo ang ikalima ng CSB sa anim na laro na nagpatatag ng pagkakaluklok nila sa ikatlong posisyon kasunod ng San Sebastian College (5-0) at Arellano University (6-1).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nauna rito, umangat ang University of Perpetual Help sa ika-apat na puwesto hawak ang barahang 4-2., panalo-talo matapos makaungos sa Lyceum of the Philippines sa isang dikdikang 5-setter game, 18-25, 25-20, 25-15 ,14-25, 15-11.

Nagtala ng 14- puntos si Cindy Imbo habang nag-ambag naman ng tig-11-puntos ang mga kakamping sina Jamela Suyat, Lourdes Clemente at Ana Diocareza upang pangunahan ang nasabing panalo.

Dahil sa pagkabigo, bumaba naman ang Lady Pirates na pinangunahan ni Mickaela Andres na nagtapos na may 15-puntos sa ikalimang puwesto taglay ang barahang 4-3, panalo-talo. (MARIVIC AWITAN)