NANG madestino si Father Joseph Mohr sa Obendorf, Austria noong 1817 bilang isang assistant pastor, dinala niya ang kanyang sinulat na tula na may titulong “Stille Nacht, Heiligi Nacth”. At noong Disyembre 24, 1818, bisperas ng Pasko, ipinakita ni Father Joseph Mohr ang kanyang tula kay Franz Xaver Gruber at hiniling na malapatan ng musika kahit sa gitara manlang dahil ang music organ sa Saint Nicolas Church sa Oberndorf ay nasira. Ipinaliwanag ni Father Mohr kay Gruber ang himig na dapat ilapat sa tula. At ang musika para sa “Stille Nacth, Heiligi Nacth” ay nakatha.

Natapos din ang single music score nito bago ginanap ang Midnight Mass. Sa saliw ng gitara ni Father Mohr, inawit niya at ng choir ang “Silent Night, Holy Night”. Nagsilbi nilang tagakumpas si Franz Xaver Gruber.

May nagsasabi na ang kasalukuyang bersiyon ng “Silent Night, Holy Night” ay may kaunting kaibahan particular na sa final strain mula sa orihinal na musika ni Franz Xaver Gruber. Ang himig sa inuulit na letra ng “Silent Night, Holy Night” ay may tonong naghehele o nagpapatulog ng sanggol. Sa song history ng Austrian Silent Night Society, sinasabi na ang church organ ng Saint Nicholas Church ay nasira. Kaya, sina Father Mohr at Gruber ay nagkasundo na ang awiting “Stille Nacth, Heiligi Nacth” ay kantahin sa saliw ng gitara.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ayon sa Silent Night Historian na si Renate Ebeling Winkler Berenguer, ang Christmas carol na “Silent Night, Holy Night” ay binanggit sa isang aklat na inilathala noong 1965 sa Estados Unidos. May pamagat na “The Story of Silent Night” na sinulat ni John Travere Moors. May naniniwala naman na nais lamang ni Father Mohr na magkaroon ng bagong Christmas carol na matutugtog niya sa kanyang gitara. Batay naman sa sinulat ng ibang historian, ang himig na inilapat ni Gruber sa “Silent Night, Holy Night” ay may impluwensiya ng musical tradition sa Hallein, bayan ni Gruber, malapit sa Salzburg, Austria. Ang himig ng “Silent Night, Holy Night” ay kahawig ng isang Austrian folksong.

Isang salaysay naman ang nagsabi na matapos awitin ang “Silent Night, Holy Night” sa Midnight Mass sa Saint Nicholas Church sa Oberndorf , Austria noong Disyembre 24, 1818 ay nawala na ang manuscript nito. Ngunti natagpuan ito ng isang music organ repairman noong 1825. Gayunman, naglathala naman si Franz Xaver Gruber ng iba’t ibang musical arrangement kasama na rito ang “Silent Night, Holy Night”. Nagawa ito ni Gruber noong 1820. Sa ngayon, ang musical arrangement ni Gruber ay nasa pag-iingat ng Museum Carolino Augusteum sa Zalsburg, Austria. Ang “Silent Night, Holy Night” ay isinalin sa 44 na wika. Kung minsan, inaawit ito ng walang musical accompaniment. Ang “Silent Night, Holy Night” ay inawit nang sabay-sabay ng mga sundalo sa wikang French, English at German noong Pasko ng 1914. Inawit din ito ng mga kawal na nasa front line. (CLEMEN BAUTISTA)