Ilulunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa susunod na taon ang pambansang programa sa coral restoration upang higit na mapalakas ang sektor ng pangingisda.
Ayon kay Senator Loren Legarda, ang programa ng DENR ay alinsunod sa naaprubahan nilang P500 million budget.
“As an archipelagic nation with 240 million hectares of marine area, the protection of marine ecosystems, primarily through massive coral restoration, should be a priority of government,” paliwanag ni Legarda.
Ipatutupad ng DENR ang sustainable coral reef ecosystem management program (SCREMP).
Binigyang diin ng senador na ang mga coral reef ang tahanan ng mga isda kaya dapat itong alagaan at pagyamanin para patuloy ang paglago ng mga isda sa ating bansa. (Leonel Abasola)