NGAYONG nalalapit na Pasko, isa sa mga mahalagang isyu na lilitaw ay ang dami ng street children o batang lansangan.

Sa ating bansa, ang mga bata ang isa sa mga poorest basic sector. Ayon nga sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang poverty incidence sa sektor ng mga bata ay nasa 35.2%.

Sinabi naman ng Childhope Asia, isang NGO na kumakalinga sa mga batang lansangan, ang mga streetchildren ang bumubuo sa 1 hanggang 3 porsiyento ng populasyon ng mga kabataan sa mga pangunahing siyudad ng bansa. Ayon pa rito, umaabot sa 30,000 ang streetchildren sa Metro Manila at National Capital Region, at sa kabuuan, umaabot ito ng 250,000.

Ang mga batang lansangan sa ating bayan ay malapit sa mga panganib. Sa kalye, sila ay exposed sa mga elemento ng krimen na hindi lamang bumibiktima sa kanila, kundi nagtuturo pa sa kanila na gumawa rin ng hindi tama. Isang ehemplo rito ay ang mga batang hamog, mga grupo ng kabataan na ginagawang tahanan ang lansangan. Ninanakawan nila ang mga commuters ng kalye, nasa pribado man o pampublikong sasakyan, upang mabuhay.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ang mga batang lansangan din ay exposed sa bawal na gamot. Hindi natin maikakaila kapanalig, ang dami ng solvent boys, may mga babae na rin, sa ating mga lansangan. Ang nakalulungkot dito, tila manhid na tayo sa kanilang sitwasyon. Sa halip na matulungan, tila sumuko na ang lipunan. Hindi sila nahuhuli, hindi sila napipigilan. Ang kanilang pamilya mismo ay tila wala na ring pakialam sa kanila.

At ito nga ang pangunahing problema kapatid. May isang pag-aaral na nagsasabi na ang pamilya ang pangunahing dahilan ng kabataan sa kanilang pananatili sa lansangan. Marami sa kanila ay mga bikitma ng physical abuse ng kanilang mga kaanak, kaya’t mas pinipili na lamang nila ang lumayas kaysa manatili sa bahay. Marami sa kanila ay produkto ng broken families. Marami sa kanila ay walang makitang pag-asa at pagmamahal sa kanilang sariling tahanan kaya’t sa lansangan sila nagtutungo.

Kapanalig, ngayong nalalapit na ang Pasko, maaari kayang ang mga batang lansangan naman ang bigyan natin ng pag-asa?

Ayon nga sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), kailangan ng concerted effort upang tunay na matugunan ang isyu ng batang lansangan sa bansa.

Ayon nga sa pahayag ni Pope Francis: “Jesus teaches us to place the needs of the poor before our own. Our needs, even if legitimate, are not as urgent as those of the poor. We often speak of the poor. But when we speak of the poor, do we sense that this man or that woman or those children lack the bare necessities of life? That they have no food, they have no clothing, they cannot afford medicine.... Also that the children do not have the means to attend school. Whereas our needs, although legitimate, are not as urgent as those of the poor who lack life’s basic necessities.”

Sumainyo ang katotohanan. (Fr. Anton Pascual)