Leonardo copy

TILA may siyam na buhay si Leonardo DiCaprio. Sa kanyang bagong pelikulang The Revenant, gumaganap siya bilang si Hugh Glass, isang frontiersman na nakaligtas brutal na pag-atake ng bear, ngunit walang-wala ito kumpara sa kanyang mga naranasan sa totoong buhay.

Nakapanayam ng The Insider With Yahoo si DiCaprio upang pag-usapan ang kanyang pinakabagong pelikula at ibinahagi ng aktor ang tungkol sa kanyang karanasan sa pating. “I was in a cage in South Africa watching great whites and the great white jumped into my cage and said, ‘Hello,’” natatawang kuwento ng aktor. “And we hung out for a little bit and he was awesome. He’s a great guy. And then he flipped back out again.” 

Inamin ni DiCaprio na masuwerte siya na nabubuhay pa siya. “They said it hasn’t happened in the 30 years they’ve been doing that but I have a knack for being in the wrong place at the wrong time with extreme situations like that,” aniya. “I absolutely look at it as good luck because I’m here.” 

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Kamakailan ay ibinahagi rin ng aktor sa Wired ang tungkol sa kanyang flight patungong Russia. “I was in business class, and an engine blew up in front of my eyes. I was sitting there looking out at the wing, and the entire wing exploded in a fireball,” kuwento ni DiCaprio. 

Sinariwa rin ng Hollywood A-lister ang kanyang ikatlong karanasan na akala niya ay mamamatay na siya nang hindi gumana ang kanyang parachute para sa skydiving. “The fun part was when he said, ‘You’re probably going to break your legs on the way down, because we’re going too fast now,’” pagbabahagi ni DiCaprio. (Yahoo News/Celebrity)