Disyembre 20, 1938 nang pagkalooban ng patent si Vladimir Zworykin, kilala rin bilang “Father of Television,” para sa kanyang imbensiyong iconoscope television system na binuo noong 1923. Ang iconoscope ay isang tube na ginagamit sa mga sinaunang camera upang mag-transmit ng signal.
Ito ay may kakayahang mag-scan ng mga larawan upang i-display ang mga litrato, na literal na tinatawag na “a viewer of icons.” Nagtatrabaho si Zworykin sa Westinghouse Electronic Company, at noong Disyembre 1923 ay nag-apply ng patent para sa nasabing imbensiyon.
Naisip niya na ang iconoscope ay magiging parte ng isang kumpletong electronic television system. Ngunit nagdesisyon ang Westinghouse executives na hindi na ipagpatuloy ang kanyang research matapos ipaliwanag ang innovation sa kanila.
Hindi nagtagal, nakatanggap si Zworykin ng pondo mula sa Radio Corporation of America (RCA), na parent company ng Westinghouse.