Noong nakalipas na linggo, nabawi ni Nonito Donaire Jr., ang kanyang world champion status makaraang makuha nito ang WBO super bantamweight title kontra kay Cesar Juarez ng Mexico sa naganap na laban sa Coliseo Roberto sa San Juan, Puerto Rico.

Ang nasabing titulo rin ang nagbigay ng matinding kabiguan kay “The Filipino Flash” Donaire nang talunin siya ni Cuban boxing sensation Guillermo Rigondeaux noong 2013. Ang nabanggit na laban ang nagmarka kay Donaire ng kanyang unang pagkatalo sa loob ng 12 taong pakikipaglaban nito sa ring.

At ngayon nga na nabawi na ni Donaire ang titulo, target nito na umakyat na ng lebel. Sa pakikipagpanayaman nito sa AbsCbn Sports, ang 33-anyos na boksingero ay umamin na mayroon na siyang mga gustong makalaban at kabilang na rito ang rematch nila ni Rigondeaux.

“Definitely. That, in itself is mentioned, and that’s the fight I want,” ang pag-amin ni Donaire. “But usually it’s the promoters that make it happen.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si Rigondeaux ay kasalukuyang may rekord na 16-0 (sampu sa panalo nito ay knock-out) subalit kamakailan lang, ito ay tinanggalan ng WBO title dahil sa hindi pagiging aktibo.

Kahit na wala pa namang nagaganap na negosasyon sa pagitan nila ni Rigondeaux, naniniwala si Donaire na ang magiging resulta nito ay mas papabor sa kanya.

“I’m ready for it, I got the belt,” dagdag pa ni Donaire. “If he wants to take it back, he can try to do it again.

But I doubt it will be the same outcome.” (Abs-Cbn Sports)