BAMBAN, Tarlac - Sinawing-palad na malunod ang isang dalagita sa irigasyon ng Barangay Lourdes sa bayang ito.

Ang nalunod ay si Genesis Gania, 14, ng Riverside, Barangay Lourdes, Bamban, Tarlac.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente dakong 10:00 ng umaga. Niyaya ni Gania ang dalawang pinsang lalaki na maligo sa irigasyon.

Ayon sa report, napadako sa malalim na bahagi ng tubig si Gania hanggang sa malunod. (Leandro Alborote)
Probinsya

3-anyos na bata, todas sa hampas ng kawayan at inihataw pa sa semento ng sariling lolo!