Hiniling ni Muntinlupa City Rep. Rodolfo Biazon na imbestigahan ng Kamara ang implementasyon ng mga umiiral na batas trapiko upang mapabuti ang kaligtasan sa lansangan.

Hinimok niya ang House Committee on Transportation na paharapin sa isang pagdinig ang mga opisyal ng Department of Transportation and Communication (DoTC), Philippine National Police (PNP), at ang pribadong sektor upang magpaliwanag tungkol sa mga problema sa trapiko.

Ayon kay Biazon, dapat pag-aralan ang disenyo at konstruksiyon ng mga lansangan, kabilang ang road signs, upang malaman kung ang mga ito ay naaangkop sa mga umiiral na batas at international standards.

Binanggit niya ang datos mula sa Department of Health (DoH) na nagsasaad na pang-apat ang mga aksidente sa kalsada sa dahilan ng kamatayan sa Pilipinas. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'