Nagbabala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga overseas Filipino worker (OFW) laban sa panlilinlang ng mga illegal recruiter na madalas ginagamit ang anim na bansa sa pag-aalok ng trabaho sa kanilang bibiktimahin.

Sa isang pahayag, sinabi ni POEA Administrator Hans Cacdac na dapat mag-ingat ang mga OFW sa pagkuha ng trabaho online sa Canada, USA, Australia, United Kingdom, New Zealand at Japan.

“It is not the practice of foreign employers or recruiters…especially in these countries to write email (job offers),” ani Cacdac.

Nagbabala ang POEA dahil patuloy itong nakatatanggap ng ulat hinggil sa mga pekeng job advertisement na nagkalat sa social media, tulad ng Facebook at Twitter.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang huling pinanggagalingan umano ng bogus na overseas job offer ay ang Asturias, Spain mula sa Al Assal Agency, Inc., isang recruiter.

“Based from registry of POEA, Al Assal Agency has no job orders from Spain. The recruitment agency also denied this,” ayon kay Cacdac.

Upang hindi mabiktima ng kahalintulad na modus, hinikayat ni Cacdac ang mga aplikante na beripikahin muna sa mga tanggapan ng POEA o sangay ng Department of Labor and Employment (DoLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga overseas job offer na kanilang natatanggap. (Samuel P. Medenilla)