Magkakaroon ng second collection sa mga Simbang Gabi ang Diocese of San Jose sa Nueva Ecija upang makalikom ng pondo para sa mga sinalanta ng bagyong ‘Nona’ sa lalawigan.

Ayon kay San Jose Bishop Roberto Mallari, bagamat hindi direktang tumama sa Nueva Ecija ang bagyo, nagdulot naman ito ng pagbaha sa maraming munisipalidad, gaya sa Jaen, na walong barangay ang binaha na umaabot sa 10 metro ang taas.

Ang mga binahang barangay ay kinabibilangan ng Magsalisi, Pamacpakan, San Jose, San Roque, Nabao at Langla.

Sinabi ni Fr. Isidro Puyat, kura paroko ng San Agustin Church sa Jaen, na nasa 100 pamilya ang kinukupkop ng kanilang pastoral center matapos malubog sa baha ang bahay ng mga ito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kaugnay nito, umapela rin ng tulong sa Caritas Manila si Puyat para sa mga nasalanta ng Nona na kaagad namang natugunan.

Ayon kay Fr. Ric Valencia, ng Caritas Damayan, natapos na ang pag-eempake ng relief goods at agad nila itong ipadadala sa mga diocese na nasalanta ng bagyo, partikular sa Nueva Ecija. (Mary Ann Santiago)